PANALANGIN PARA SA MGA GURO Print

Tagapagkaloob ng Lahat ng Kaalaman at Guro ng rnga guro Bigyan po Ninyo ng pagkalinga ang aming mga guro Biyayaan Ninyo sila ng kahandaang Linangin ang aming rnurang isipan At huwag magsawa kapag *di rnakahabol ang turuan Pagpalain nawa ang kanilang mga pusong Nagdiriwang sa tuwing kami'y nagwawagi, At nag-aalo sa tuwing karoiy nadadaig Pagkalooban Ninyo sila ng mahinahong pagtitiyaga Sapagkat ang landas ng kaalaman ay hindi madali Pagningasin Ninyo sa kanila ang niaapoy na diwang Nagpapaliyab sa kagustuhan naming matuto Tulungan Ninyo silang makita ang galing sa bawat mag-aaral Waia sa marka ang halaga kundi sa pananalig nila Ikintal Ninyo sa kanila ang walang pagkauhaw sa karunugan At bagong kaalaman at karanasam ay *di dapat katakutan Turuan po Ninyo silang masiglang abutin ang alapaap Kasinsigla at kasintayog ng sarili naming pangarap Pagpalain po Ninyo ang mga gurong nauna sa amin Ang nagawa nila ay napapakinabangan pa rin Tanglawan po ng Inyong mabuting halimbawa ang kaguruan Upang makapagtayo sila sa pamamagitan ng kanilang pangungusap Upang inakapagrnahal sila sa pamarnagitan ng kanilang isipan Upang makapagbahagi sila sa pamamagitan ng kanilang puso Siya nawa.