Department of Education - Davao City Division - DepEd Davao

MENSAHE MULA SA TAGAPAMANIHALA NG MGA PAARALAN PARA SA MGA MAGTATAPOS NG BAITANG 10 PDF Print E-mail

Tema: Kabaataang mula sa K to 12, Tagapagdala ng Kaunlaran sa Bansang Pilipinas

 

Isang pagpupugay para sa mga magtatapos ng Baitang 10 sa taong ito!

 

Apat na taon na nang una kayong tumuntong sa haiskul at unang tinawag bilang mga mag-aaral ng Baitang 7. Napakabilis ng panahon at kayo na naman ang unang tutuntong at tatawaging unang mga mag-aaral ng Baitang 11 at unang magsisipagtapos sa Baitang 12 ng programang K to 12, ang Senior High School.

 

Sa pagsisimula ninyo ng panibagong paglalakbay sa Senior High School, tiyak kong dala-dala ninyo ang lahat na dapat ninyong matutuhan sa Junior High School. Napakalaking hamon nito para sa inyo dahil kayo ang unang kawan ng mag-aaral na inaasahang babago sa larawan ng sistema ng edukasyon ng bansa, na balang-araw magsasabing tunay ninyong napaghandaan ang buhay dahil bunga kayo ng sistemang tunay na humubog sa inyong kakayahan at nagbigay-katuparan sa inyong mga pangarap, ang K to 12.

 

Huwag na huwag ninyong bibiguin ang mga taong naging kasangga ninyo sa laban -- ang inyong mga magulang, guro, kaibigan at lahat ng taong naging bahagi ng inyong pagsisikap. Higit sa lahat, huwag n’yo ring kalilimutan na isangguni sa Diyos ang lahat ninyong mithiin sa buhay upang lubos ang inyong kasiyahan at tagumpay.

 

Gugulin ang inyong oras at lakas ng pagiging kabataan sa mga bagay na magpapalago sa inyong pagkatao at huhulma sa isang kasapi ng lipunan na handang tumayo at taas-noong magsasabing, “Tagapagdala ako ng kaunlaran sa bayan dahil binuo ako ng K to 12, at handang makipagsabayan sa pamantayan ng mundo.”

 

Sinabi ni Rizal sa kaniyang nobelang El Filibusterismo, “Kung balang araw ako’y magkakauban at nilingon ko ang aking nakaraang walang nagawang mabuti, ang bawat uban ay aariin kong tinik, hindi ipagkakapuri, bagkus ikahihiya.” Kaya, dapat ninyong tandaan na ngayon pa lang ay gawin ang mga bagay na ipagmamalaki ninyo balang araw sa lipunan, bayan at sa buong mundo.

 

Kung bubuklatin ang pahina ng kasaysayan ng inyong paaralan, makikitang kayo ang unang nagdala ng tagumpay sa programang K to 12. Kaya para sa inyong bagong buhay sa Senior High School sa darating na pasukan, buong tapang na tanggapin ang hamon ng pagbabago para sa higit na maliwanag na hinaharap at kapaki-pakinabang na buhay.

 

Binabati ko kayong lahat at buong puso kong ipinaaabot sa inyo ang aking pagsaludo.

   

MARIA INES C. ASUNCION, CESO VI
Tagapamanihala ng mga Paaralan
Sangay ng Lungsod ng Davao

 

 

Login

SEF Utilization Report

• View Here

Translation


Who's Online

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday0
mod_vvisit_counterYesterday0
mod_vvisit_counterThis week0
mod_vvisit_counterLast week0
mod_vvisit_counterThis month0
mod_vvisit_counterLast month0
mod_vvisit_counterAll days5525552

We have:  online
Your IP: 34.204.189.171
 , 
Today: Oct 22 2019
You are here  : Home Bulletins News MENSAHE MULA SA TAGAPAMANIHALA NG MGA PAARALAN PARA SA MGA MAGTATAPOS NG BAITANG 10